Senatoriable Mocha Uson sanib pwersa kay Prophet Sadhu

sanib

TAGUIG CITY, Philippines. Kukuning spiritual adviser ni Mocha Uson ang controversial na anti-Duterte prophet na si Sadhu Sundar Selveraj para sa kaniyang senatorial bid, ayon sa kaniyang panayam ngayon dito sa isang carenderia sa Taguig Market.

Nagkaroon siya umano ng paghanga kay Prophet Sadhu dahil sa flexibility ng propeta sa kanyang mga hula. Maaalalang iniiba ni Sadhu ang kaniyang prophecy depende sa reaction ng mga netizens. Matapos mag propesiya ni Sadhu na bilang na ang araw ni Duterte, ito’y binawi at inamyendahan niya matapos ang maanghang na reaction ng netizens.

Ginaya ito ni Uson, “Kung ano po ng mababasa kong comment sa Facebook, ‘yung sinasabi ng supporters doon, doon ko po titingnan,” she said after being asked if she will run in the upcoming polls.

Nagbitiw sa pwesto bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) nitong Octubre 3, 2018. Pagkatapos ng pagbibitiw, daliang inanunsyo ni Uson ang kanyang intensyon na kumandidato bilang senador sa 2019 elections.

Ka Luz Tigan, RNN Correspondent

 

 

Advertisements

Joey De Leon miniting si Prophet Sadhu sa guesting sa Wow Mali

Presentation1

QUEZON CITY, Philippines. “Tamang tama si Prophet Sadwa, acheche, Sadhu pala,” birong paliwanag ng host ng Wow Mali na si Joey De Leon sa panayam sa kaniya ng Rabashika News kay De Leon kahapon sa TV5. Paliwanag pa niya, “Dahil ito dun sa inamyendahan niya yung propesiya nya nung September 26 na bilang na raw ang araw ni Pangulong Duterte. Maganda yung idea ng propeta na nag aadjust dahil sa netizen.”

Nakipagpulong diumano ang production staff ng Wow Mali kasama si De Leon sa kilalang propeta ng Intercessors for the Philippines (IFP) na si Prophet Sadhu Sundar Selveraj matapos ngang amyendahan niya ang kaniyang propesiya. Sa nasabing pagpupulong, tinalakay nila ang guesting ng propeta sa special religious episode sa nalalapit na araw ng mga patay. Gaganap na Bishop Dan Balais ng IFP si Jason Gainza. Sa pangitain na Prophet Sadhu, gaganap na Kristo ang batang Mat Ranillo III at si Jose Manalo naman para kay Pangulong Duterte. Hindi pa alam ngayon kung sino ang gaganap sa bansang Pilipinas.

Ang episode na ito ay ipapalabas sa November 1 at pinamagatang, “Ang Propesiyang Acheche.”

Bo Tigon, RNN Correspondent

Prophet Sadhu, inadjust ang prophecy matapos di sang-ayunan ng netizens

hqdefault

MANILA, Philippines. “My prophecies is [sic]  from God and Bombay.” Ito ang mga binitawang salita nig Prophet Sadhu Sundar Selveraj bilang tugon sa kaniyang inadjust na propesiya na bilang na ang araw ni Duterte, matapos itong hindi magustuhan ng mga netizens at ilang mga kasapi ng Intercessors for the Philippines (IFP) na sponsor ng idinaos na shindig ng Feast of Tabernacles kung saan nagsiwalat ng propesiya si Prophet Sadhu na bilang na ang araw ni Pangulong Duterte.

Kinabukasan, ang propesiya ay binago ni Sadhu dahil sa epekto ng netizens. Ayon sa pahayag ni Bishop Dan Balais, tagapamuno ng IFP, narito ang bagong propesiya —

Bro. Sadhu, on the third & last day of the Feast of Tabernacles, saw the Lord with PDu30 standing before him like a fearful boy hurt, forlorn, lonely and in pain. The Lord Jesus then put his arms around PDu30 and said: “He is My son, pray for him so that he will know Me, so that I can change his heart & he can be used by Me to fulfill the destiny of this nation!”

Maraming netizens ang nag-react dito sa pamamagitan ng pag all caps ng katagang: “PALUSOT PROPHECY.”

Maalala nitong nakaraang araw na inulan ng batikos galing sa netizens ang sinabi ng Prophet. Isa na rito ang dating kaklase ni Sadhu na si Prophet Rabashika Rabakanda at ang kaniyang asawang si Shulamanda. Sabi ni Raba, “Orumtalam sharakanda shulamamama.”

Ayon sa salaysay ni Balais, nagkaroon ng tension sa hanay ng mga Mindanaoenos, “Bsp Gene Udang, president of MELC (Mindanao Evangelical Leaders Council), who threatened to break away from IFP & posted their hurt & reaction against the ‘Your days are numbered’ prophecy of Bro. Sadhu which was inadvertently aired live video stream worldwide & over satellite feed to 50 provinces in the country.”

Sinubukan naming kapanayamin si Prophet Sadhu ngunit siya ay abala pa sa pagre review ng kaniyang mga prophecy para sa press release.

Al Boroto, RNN Correspondent

Bilang na daw ang araw ni Duterte ayon kay Prophet Sadhu

20171204_sundar

MANILA, Philippines. “Your days are numbered.” Ito ang binitawang prophetic declaration ni Prophet Sadhu Sundar Selveraj sa pagdiriwang ng Intercessors for the Philippines ng Feast of the Tabernacle sa Cuneta Astrodome nuong September 26, 2018.

Sa kaniyang impassioned prophetic utterances, ni-rebuke niya ang mga dumadalong nagtatawanan at nagpapalakpakan sa kaniyang mga sinasabi. “Why are you laughing? I am not a clown,” ika niya.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Rabashika Rabakanda News Philippines na kapanayamin si Prophet Sadhu pagkatapos ng kaniyang speech, para hingan ng paliwanag ang nais niyang sabihin ng kaniyang prophetic declaration na ito.

Sa nangyaring panayam, mariing ipinahiwatig ni Prophet Sadhu na ang exact date na itutumba ang trono ni Duterte: “Noontime of June 30, 2022.” Matapos niyang banggitin ito, siya ay panandaliang nag speaking in tongues at nag-collapse sa sahig at biglang may bumulang luminous na yellow sa kaniyang bibig. Sa pagkakataong ito, siya ay ilinagay sa karmatilya at ipinasok muna sa holding room ng Cuneta Astrodome.

Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng mga kilalang international personalities ng prophetic circles tulad nila Arthur Curry at ang kaniya kapatid na si Orm, Diana of Amazon at ang kaniyang asawang si Steve Trevor, Bruce Wayne, Jack Napier, Clark Kent at Jor-El.

Panuorin ang kabuuan ng kaniyang prophetic utterances dito.

Bo Tigon, RRN Philippines

BREAKING: Pagtaas ng bilihin, itinalaga pala ni Pastor Quiboloy

qion

DAVAO CITY, Philippines – Inamin ngayon dito sa press conference sa Gaizano Mall ni Pastor Apollo C. Quiboloy (PACQ) na ang pagtaas ng bilihin at inflation ay sa dahil sa kaniyang pagtatalaga nito bilang may ari ng kalupaan.

Kamakailan, isiniwalat ni PACQ na bukod na siya ang “Appointed Son of God” siya na rin ang may-ari ng lahat . . . at kasama doon ang presyo ng mga bilihin.

“Ako ang nagdidikta ng inflation,”  diin pa ni PACQ, “Gusto niyo ng kaligtasan, tingnan ninyo ang mukhang ito.”

Dagdag pa ni PACQ: “Kung PACQ ako, dapat PACQ na din kayo kasi PACQ ang mundong ito. Kayo akin. Sila akin. Pati isda akin. Ang baboy akin. PACQ yang lahat. Kaya PACQ kayo.”

Nang tanungin kung paano ang tugon ng mga tao kung nagrereklamo sa taas ng bilihin, ang sagot niya  ay “PACQ ka!”

Bo Grit, RNN Philippines Correspondent

 

PRRD tiniwalag sa relihiyong Duterterites dahil sa “stupid god” comment

RODY

MANILA, Philippines – Tiniwalag ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kaniyang sariling international religious group na Reformed Organized for Duterte and You (RODY) o mas kilala worldwide as Duterterites, ayon sa kanilang LGBT high priestess na si Mama Bing Go (no relation to Bong Go) dahil diumano sa kaniyang deklarasyon na “stupid god.”

Ayon kay Go siya ay nabahala sa deklarasyon ng Pangulo dahil ang tinutukoy ni Duterte na “stupid god” ay nagbagong buhay na at ngayon ay kumakatawan na sa pagkatao ni Mama Bing Go.

“Ako ang dating ‘stupid god’ pero ako ngayo’y nagbago na at tunay na diyos na at bonggang bongga,” paliwanag ni Go.

Pinaliwanag din ni Go na nagsimula ang kanilang relihiyon na Duterterite nang si President Duterte ay alkalde pa lamang ng Davao City. Diumano’y sila ay ang tunay na relihiyon at umaasa sana na maging siyang state religion ng Pilipinas.

Nais diumano nila i-exorcise ang Pilipinas sa panghi ng dilaw na ihi ng mga dilawan. “Jombagin natin ang mga dilawan na yan dahil ampapanghi nila,” dagdag pa ni Go.

Sib Ridparat, RNN Philippines correspondent

Mga living prophets ng IFP umalma kay Dutertee

Presentation1

MANILA, Philippines. Sa breakfast forum kahapon sa Club Filipino, mariing kinondena ng International Fellowship of Prophets o IFP ang mga binitawang salita ni Duterte nitong mga nakaraang araw.

Bilang kinatawan ng IFP, ang international director ng Ohab Yoma School of Prophets na si Prophet Rabashika Rabakanda ay nagsabi na napapanahon na magsama-samang magkondena ang mga propeta laban kay Duterte lalo pa na tinawag niya ang isang member ng kanilang samahan na “stupid.”

Naniniwala kasi ang IFP na kasapi nila ang tunay na diyos na si Shulamanda, na tubong Ortigas Ave. flyover. Napag alaman ng Raba News Network (RNN) na matapos sabihin ito ni Duterte, si Shulamanda ay lubhang nagalit at nagpatawag ng lupon. Sa nasabing lupon napag alaman din ng RNN nalubag ang loob ni Shulamanda nang magpaliwanag si Rabashika. Lalo pang napawi ang galit nang biglang umawit ang lupong ng RABASHIKA RABAKANDA SHULAMANDA.

T. Kolon, RDD Correspondent