Mga living prophets ng IFP umalma kay Dutertee

Presentation1

MANILA, Philippines. Sa breakfast forum kahapon sa Club Filipino, mariing kinondena ng International Fellowship of Prophets o IFP ang mga binitawang salita ni Duterte nitong mga nakaraang araw.

Bilang kinatawan ng IFP, ang international director ng Ohab Yoma School of Prophets na si Prophet Rabashika Rabakanda ay nagsabi na napapanahon na magsama-samang magkondena ang mga propeta laban kay Duterte lalo pa na tinawag niya ang isang member ng kanilang samahan na “stupid.”

Naniniwala kasi ang IFP na kasapi nila ang tunay na diyos na si Shulamanda, na tubong Ortigas Ave. flyover. Napag alaman ng Raba News Network (RNN) na matapos sabihin ito ni Duterte, si Shulamanda ay lubhang nagalit at nagpatawag ng lupon. Sa nasabing lupon napag alaman din ng RNN nalubag ang loob ni Shulamanda nang magpaliwanag si Rabashika. Lalo pang napawi ang galit nang biglang umawit ang lupong ng RABASHIKA RABAKANDA SHULAMANDA.

T. Kolon, RDD Correspondent

Advertisements