Bentahan ng daily Bible devotionals ni Bo Sanchez bumagsak

bo-sanchez-picc-20130304

MANILA, Philippines. Bumagsak ang bentahan ngayong first quarter ng mga daily Bible devotionals ni Bo Sanchez dahil sa kaniyang deklarasyon na hindi necessary na magbasa ng Bible araw araw.

Ilang  linggo na rin ang nakalipas nang magpost si Sanchez ng isang video kung saan binanggit niya ang nasabing pahayag.

Ayon kay Sanchez maraming mga characters sa Bible ang hindi rin naman nagbabasa ng Bible daily tulad ni Kristo, Abraham atbp.

Bong Kokan, RRNN Correspondent

Advertisements

Anti-SOGIE religious group nalito at nasama sa rally ng mga bakla

LGBT-pride-manila

TAGUIG, Philippines. Nagkamali ang isang anti-SOGIE religious group sa kanilang sinamahang rally nitong March 7 at sila ay napasama sa rally ng mga bakla na pinapaboran ang Bill na POGIE o Pacial Orientation, Gender Identity and Orientation, isang bill na nakabinbin ngayon sa Camara de representante.

Ayon kay Pastor Gil Lo, kinatawan ng nalitong religious sector, inakala nila na ito nga ang anti-SOGIE rally na inorganisa ng Coalition of Christians for Righteousness, Justice, and Truth (CCRJT). Libu-libo ang dumalo sa CCRJT rally na ito na pinangunahan ng Jesus is Lord (JIL)  Church. Ayon sa tagapanguna ng JIL na si Bro. Eddie Villanueva, “Same-sex marriage is an abomination to God. The Bible is so clear about the man marrying another man. This will invite kinds of curses that we cannot contain in our generation.”

Inaalam pa sa kasalukuyan kung anong mga action ang gagawin ng nalito na religious group na ito sa dahilang tila baga panay na rin ang mga beso-beso nila sa rallyistang mga bakla.

Bon Duyon, RRNN Correspondent