Mga menor-de-edad binugaw ng isang born-again pastor

sm taytay view

TAYTAY, Philippines – Nireklamo sa pulisya ng isang born-again pastor ang tatlong menor-de-edad na pinaghihinalaang mga prostitute na umaaligid sa kanilang dinner fellowship maski pa binubugaw niya na ang mga ito na umalis.

Related: Church vows no cover-up in Taytay priest’s case

Related: Taytay priest nabbed for ‘booking’ 13-year-old girl

Si Rev. Sulpicio S. Mabe, pastor ng isang Baptist church sa Taytay ay nagsampa ng reklamo sa Taytay Police District. Napag alaman na bandang alas-otso ng gabi nung Agosto 3, sa foodcourt ng SM Taytay habang patuloy na nagku-kwentuhan si Mabe at apat pa niyang mga kasapi sa simbahan matapos nilang kumain nang may tatlong kababaihan edad 14-16 ang umaaligid sa kanilang lamesa at nag-aalok ng serbisyo sekswal. Diumano, binugaw ang mga ito ni Mabe palayo at tinakot na ipapahuli sa guard.

Subalit makalipas ang ilang muling paglapit ng mga kababaihan, nagdesisyon na si Mabe na magreklamo sa pulisya.

“Parang mga anak ko na lang ‘yung mga batang ‘yon,” ayon sa panayam kay Mabe ng RRN. “Gusto ko sana silang matulungan ng DSWD kaya ko sila nireklamo sa pulisya.”

Pinaghahahanap ngayon ng Taytay DSWD ang tatlong dalagita para sa kustodiya at imbestigahan. Pinaghihinalaang ang mga dalagitang ito ay bahagi ng sindikato na gumagamit ng mga menor-de-edad. Mahigpit na pinagbabawal ng batas ang sex-trafficking.

Bill Recuenco Dayupay, RRN

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s