Nanawagang mga atheist para magpakita ang Diyos sa Intramuros, inindian

Crowd-Intramuros-Pope-Francis

MANILA, Philipines – Isang coalition ng mga atheist sa Pilipinas na nanawagan sa Diyos para magpakita sa kanilang pagtitipon sa Intramuros ay napag alamang inindian ng Diyos.

Ayon kay Dong Peza, spokesperson ng Atheist Philippines Association (APA) nanawagan sila sa Diyos na magpakita sa kanila sa Intramuros mga bandang alas 5 ng hapon nung Agosto 7, 2017 subalit text lamang galing sa isang nagngangalang San Pedro na nagsabi, “LOL. Mga kampon ni Satanas.”

Nag-antay pa sila diumano ng ilang oras subalit nagsi-alisan na rin para maka abot sa last full show ng Kita Kita.

Ilang oras matapos silang lumisan, bumuhos ang malakas na ulan at isang malakas na kidlat ang tumama sa eksaktong lugar kung saan sila nag antay at naging dahilan ng pagsabog ng ilang mga bumbilya doon.

Inaasahang gagawin pa ang pagtitipong ganito ng APA kasama ang isa pang napakalaking grupo ng atheists dito sa Pilipinas na Sorority Oriented to the Removal and Banning of Education on Theology in Society (SORBETES). Tinatayang aabot sa mga 500 participants ang dadalo sa pagtitipon na ito ng APA at SORBETES.

Dag Uldol, RRN Philipppines

Advertisements

Rabashika Rabakanda News sinampahan ng kaso ng CHR

RABA

MAKATI, Philippines – Sinamapahan ng kaso ang lampoon journalism site na Rabashika Rabakanda News Network (RRN) ng Commission on Housing Rights (CHR) dahil sa pakikibahagi ng news agency sa mga kilos protesta ng Kadamay.

Related: Duterte, Kadamay clash over housing for poor

Nagbigay ng press statement ang spokesperson ng RRN na si Shanda Lala tungkol dito. “Ang RRN po, haya barakashita oshala, ay humihingi ng paumanhin sa mga tagasuporta namin, oshalmanda hula mashanda,” sab ni Shanda Lala.

Ayon naman sa kinatawan ng CHR, “Tutuluyan namin kasi nakakainis.”

Maalala na ang RRN ay nagdonate ng salapi sa Kadamay para sa rehabilitation ng mga inukupa nilang mga bahay sa Pandi, Bulacan. Ayon sa batas hindi ito maaaring gawin ng isang news agency lalupa na kilalang lampoon site ang RRN sa buong mundo.

Samu’t saring reaction din ang pahayag ng ilang kilalang apostolic organization patungkol dito tulad ng mayor ng Apostle Creflo Dollar, Benny Hinn, Apollo Quiboloy at kanilang bokal na si Larry Dela Cruz.

Inaasahan ang arraignment ng kaso sa Disyembre.

Rab Singanaton, RRN Philipines

Arestadong youth pastor napilitan lang diumano sa pagtutulak ||RRN

Khair Mundos

QUEZON CITY, Philippine — Nahaharap ngayon sa kasong vagrancy at jaywalking ang isang dating youth pastor matapos siyang magtulak ng kanyang kariton sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Quezon City kahapon ng tanghali.

Mahigpit na pinagbabawal ng QC government na baybayin ng mga magbabakal bote ang Commonwealth Ave.

Ayon sa paunang imbestigasyon sa pagkakilanlan, ang suspect ay si Marisso Algura, 35 anyos, na nagpakilalang siya ay dating youth pastor ng Jesus Benevolent Ministry (JBM) ni Ecleo sa Marawi. Napilitan lang siya diumano na magtulak ng kariton ng bakal bote matapos na siya at ang kanyang pamilya ay lumisan sa Marawi dahil sa giyera. Nananawagan siya sa kasapi ng JBM na siya ay tulungan.

Related: Duterte bares new ISIS threat in Mindanao; 20,000 more soldiers needed – senators

Bandang alas-3 ng hapon sa tapat mismo ng St. Peter’s Parish, Commonwealth, QC, tumawid si Algura tulak-tulak ang kanyang kariton sa isang no-jaywalking area. Napag alaman din na sa kariton na rin siya naninirahan subalit wala siyang naipakitang ID kaya naman siya ay dinala sa himpilan ng malapit na QCPD para imbestigahan.

Ayon kay PO3 Jake Baktas, ire-refer nila si Algura at kanyang pamilya sa DSWD para matulungan.

Um Mamok, RRN Philippines

Photo Credit: Daily Mail UK

Mga menor-de-edad binugaw ng isang born-again pastor

sm taytay view

TAYTAY, Philippines – Nireklamo sa pulisya ng isang born-again pastor ang tatlong menor-de-edad na pinaghihinalaang mga prostitute na umaaligid sa kanilang dinner fellowship maski pa binubugaw niya na ang mga ito na umalis.

Related: Church vows no cover-up in Taytay priest’s case

Related: Taytay priest nabbed for ‘booking’ 13-year-old girl

Si Rev. Sulpicio S. Mabe, pastor ng isang Baptist church sa Taytay ay nagsampa ng reklamo sa Taytay Police District. Napag alaman na bandang alas-otso ng gabi nung Agosto 3, sa foodcourt ng SM Taytay habang patuloy na nagku-kwentuhan si Mabe at apat pa niyang mga kasapi sa simbahan matapos nilang kumain nang may tatlong kababaihan edad 14-16 ang umaaligid sa kanilang lamesa at nag-aalok ng serbisyo sekswal. Diumano, binugaw ang mga ito ni Mabe palayo at tinakot na ipapahuli sa guard.

Subalit makalipas ang ilang muling paglapit ng mga kababaihan, nagdesisyon na si Mabe na magreklamo sa pulisya.

“Parang mga anak ko na lang ‘yung mga batang ‘yon,” ayon sa panayam kay Mabe ng RRN. “Gusto ko sana silang matulungan ng DSWD kaya ko sila nireklamo sa pulisya.”

Pinaghahahanap ngayon ng Taytay DSWD ang tatlong dalagita para sa kustodiya at imbestigahan. Pinaghihinalaang ang mga dalagitang ito ay bahagi ng sindikato na gumagamit ng mga menor-de-edad. Mahigpit na pinagbabawal ng batas ang sex-trafficking.

Bill Recuenco Dayupay, RRN

 

Disgraced priest who booked minor wants CHR abolished

PARIII

RIZAL, Philippines – Monsignor Arnel Lagarejos who was recently arrested by operatives after booking a 13-year old girl expressed to the media today that he wants the Commission on Human Rights (CHR) abolished.

Addressing the press at his home in Taytay after he posted bail, Lagarejos said, “Hindi na tama ang moralidad ng CHR. They cry foul when there is a more important issue to be addressed.”

Related: Priest nabbed in Marikina for allegedly attempting to have sex with 13-year-old girl

Related: CHR: Duterte admin ‘encouraged deepening of impunity’

Asked if his comment has something to do with his impending child trafficking case, he said, “Matagal ko nang campaign ito kasi noon a man suportado ko na ang ginagawa ni Duterte. Nagkataon lang ngayon at malakas kasi may issue nga ako kay Ineng.”

Gabriela, in a recent phone interview, expressed their dismay that the priest would try to cover up the gravity of his crime with this diversion of attack to the CHR. Gabriela spokesperson Kaye Brosas said, “Ngiii. Nagkaluka-loka na nga. Haller! Humanap ka na lang sana ng kaedad mo tulad ni Maegan Aguilar, at bata pa biniktima mo.”  The 50-year old priest cannot be reached for a follow up comment.

In the press briefing, Lagarejos also attacked the anti-child trafficking watchdog JusticePedia [Editor’s note: pedia is from the Greek word paedia meaning children], a non-government company whose campaign made them one of the top watchdogs of the United Nations on issues of child trafficking. Lagarejos remard, “Yang pedia, pedia na JusticePedia na yan, binibigyan pa namin yan ng offering galing sa simbahan tapos hindi man lang tumutulong sa akin. Bagkus magrarally pa laban sa akin.”

Lagarejos was referring to an event where three other anti-child trafficking watchdogs are now organizing along with JusticePedia to pressure the government for the immediate verdict on Lagarejos. These three  Children HealthPedia, ProtectPedia International and Wikipedia are planning to stage a rally in the next few weeks. Wikipedia said in a statement, “Human trafficking and the prostitution of children is a significant issue in the Philippines, often controlled by organized crime syndicates. Human Trafficking in the Philippines is a crime against humanity. In an effort to deal with the problem, the Philippines passed R.A. 9208, the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.”

Lina Labran, RRN Philippines Correspondent

Papa Jack to ask questions to Dayan on next Congress Hearing on Illegal Drugs

capture

QUEZON CITY, Philippines – The Congressional Committee Hearing on Illegal Drugs spokesperson Pinky Panti Bacalso announced in the Congress press junket today that the Committee has deputized Mr. John S. Gemperle, more popularly known as Papa Jack to field love questions to witness Ronnie Dayan, the former driver and boyfriend of Sen. Leila De Lima.

Related: “De Lima on Dayan: No woman should be betrayed like that”

Bacalso, more popularly known to the Press as Pink Ti-Bac, read a portion of the memorandum of deputization issued by the Committee stating, “After much deliberation among the members of the Committee concerning the probable spike in the popularity of Congress over local telenovelas, it has officially decided to summon Papa Jack to the Committee hearings with Ronnie Dayan. Papa Jack will ask questions about love, sex and betrayal. Committee Chairman Umali, set the schedule next week December 2.”

Related: Dayan: De Lima knew I was married when we had a relationship

Papa Jack is best known for his popular evening-to-late night radio programs TLC: True Love Conversations and Wild Confessions on 90.7 Love Radio Manila, which simulcast on Love Radio stations nationwide. He is also the author of two books about love advice based on his program.

Read De Lima news on CNN

Dayan was arrested in La Union last Tuesday after being cited in contempt for snubbing the hearings on the illegal drug trade at the New Bilbid Prisons.

Dayan claimed to have received drug money on De Lima’s behalf from confessed drug lord Kerwin Espinosa several times in 2014.

Kerwin Espinosa: Hindi ko ginaya mukha ni Jason Gainza sa Magnum Muslim .357 ng Banana Split

gainza

PARANAQUE, Philippines — Pinasinungalingan ni suspected druglord Kerwin Espinosa kanina sa Senate inquiry ang spekulasyon ng mamaayang pilipino na ang kanyang pagpapa-plastic surgery ay para gayahin ang mukha ni Jason Gainza bilang Magnum Muslim .357 sa TV show na Banana Split.

“Hindi ko po ginagaya mukha ni Ginoong Gainza,” paliwanag ni Espinosa. “Hindi kami yung tipo ng pamilya na obsessed kay Mr. Gainza.” Nang tanungin si Espinosa kung ano ang pangalan ng kanyang tatlong anak dali dali nyang sinabi, “Jason, Jayson at Son-jay.”

Dagdag pa ni Espinosa, “Pangarap ko mag artista paglabas ko dito at sana pumayag si Tito Boy Abunda na ako ang gumanap sa biopic niya.”